Balitang A2ZLatest News

PH, Australia, Canada, at U.S., pinagtibay ang kooperasyon sa West PH Sea

Matagumpay na nagtapos ang ikasapung multilateral maritime cooperative activity o MMCA ng Pilipinas, Australia, Canada at United States sa West Philippine Sea na isinagawa malapit sa Zambales.

BALITANG A2Z · · Updated · 1 min read

Matagumpay na nagtapos ang ikasapung multilateral maritime cooperative activity o MMCA ng Pilipinas, Australia, Canada at United States sa West Philippine Sea na isinagawa malapit sa Zambales.

Kasama sa aktibidad ang pag-deploy ng mga barko at eroplano ng apat na bansa kabilang ang BRP Jose Rizal ng AFP H-mas Brisbane ng australia HMCS Ville De Quebec ng Canada at P-8-a Poseidon ng U.S.

Tampok sa drill ang photo exercise, vertical replenishment, anti-submarine warfare drill at passing exercise na layong palakasin interoperability ng mga hukbo.

Iginiit naman ni AFP chief of staff Gen. Romeo Brawner Jr. na nagpapatunay ito ng pagkakaisa ng mga bansa para ipagtanggol ang karagatan at igalang ang rules-based order partikular na sa West Philippine Sea.

What do you feel about this article?