Kumpirmado ng Bureau of Immigration na nasa bansa pa ang mga opisyal at kontratistang nasa lookout bulletin order o il-bo kaugnay ng maanomalyang flood control projects.
Ayon kay Immigration spokesperson Dana Sandoval may ilang nakalabas noong nakaraang agosto pero nakabalik na sa bansa.
Nasa listahan ang tatlumpu’t limang katao kabilang ang anim hanggang pitong opisyal ng DPWH at iba pang kontratista na iniimbestigahan ngayon.
Hiniling ni DPWH Secretary Vince Dizon ang lookout order para masiguro na hindi makakatakas ang mga sangkot sa imbestigasyon.

