News LightFeatured

“Vanity projects” sa 2026 DPWH budget, dapat ipagbawal ayon kay Sen. Escudero | News Light

Nanawagan si Senate President Chiz Escudero nitong Martes na ipagbawal ang tinatawag na “vanity projects” sa 2026 budget ng Department of Public Works and Highways (DPWH), na aniya’y nagiging daan…

Dawn Pamulaya · · Updated · 1 min read

Nanawagan si Senate President Chiz Escudero nitong Martes na ipagbawal ang tinatawag na “vanity projects” sa 2026 budget ng Department of Public Works and Highways (DPWH), na aniya’y nagiging daan ng korapsyon at pag-aaksaya ng pondo.

Kabilang sa mga proyektong ito ang mga waiting shed, swimming pool, at signages na hindi naman prayoridad at kulang ang pakinabang sa mga komunidad.

Iminungkahi ni Escudero na bumuo ang Malacañang ng “negative list” ng mga proyektong hindi dapat isama at dapat agad i-veto ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. kung maisisingit sa General Appropriations Act.

Giit niya, dapat ilaan ang pondo sa mga makabuluhang imprastraktura tulad ng waste-to-energy plants at drainage improvement para tugunan ang pagbaha at iba pang suliranin sa kapaligiran.

What do you feel about this article?