News LightLatest News

Total lunar eclipse o tinaguriang “blood moon,” makikita sa Pilipinas sa Sept. 7-8 | News Light

Heads up, moon lovers! Inanunsyo ng weather bureau na PAGASA na makikita sa Pilipinas ang total lunar eclipse o tinaguriang “blood moon” sa gabi ng September 7 hanggang 8.

Giselle Crazo · · Updated · 1 min read

Heads up, moon lovers!

Inanunsyo ng weather bureau na PAGASA na makikita sa Pilipinas ang total lunar eclipse o tinaguriang “blood moon” sa gabi ng September 7 hanggang 8.

Ang penumbral eclipse ay magsisimula sa alas-10:27 ng Linggo, Sept. 7, at aabot hanggang madaling araw ng Lunes, Sept. 8.

Paliwanag ng PAGASA, walang delikadong epekto ang pagmamasid sa lunar eclipse at hindi kailangan ng proteksyon sa mata, di tulad ng solar eclipse.

ADVERTISEMENT

Ang tinaguriang pula ng buwan ay resulta ng pag-filter ng atmosphere ng mundo sa araw na nag-iiwan ng mapulang iluminasyon.

Makikita ang total lunar eclipse hindi lang sa Pilipinas kundi sa buong Asya, Australia, at East Africa.

What do you feel about this article?