Wagi ang pelikulang “Magellan” ni Lav Diaz bilang pambato ng Pilipinas sa 98th Academy Awards noong Lunes.
Sa anunsyo ng Film Development Council of the Philippines (FDCP) at Film Academy of the Philippines (FAP), napiling panlaban ang pelikula para sa Best International Feature Film category ng kompetisyon.
Ang pelikula, na pinagbidahan ni Gael Garcia Bernal, ay ipinakita ang paglalayag ni Magellan noong 1500s sa Atlantic. Laman din nito ang teorya na si Lapu-Lapu ay imbensyon ng isang monarch mula sa kalapit na isla.
Ginawaran si Diaz ng tumataginting na ₱1 milyon bilang suporta sa kanyang team, ayon sa FDCP.
ADVERTISEMENT
Malalaman ang shortlist ng The Academy para sa Oscars sa Disyembre 16, na susundan ng unveiling ng nominees sa Enero 22, 2026. Ang ceremony ng 98th Oscars ay gaganapin naman sa Marso 15, 2026. (Denniel Salayo/ News Light)


