Bawat Pilipino, may utang na ₱142,000 dahil sa pagkakautang ng bansa ayon kay Sen. Gatchalian | News Light

📅  |  ✏️ Updated
👤 Newslight  |  📂 News Light, Latest News

Resulta ng ₱17 trilyong utang ng Pilipinas, may utang nang ₱142,000 ang bawat isang Pilipino, ayon kay Senate committee on Finance Chairperson Senator Win Gatchalian.

Base ito sa computation ni Gatchalian sa nagdaang budget briefing ng Development Budget Coordination Committee (DBCC) para sa 2026 national budget.

Ayon kay Gatchalian, maraming naging sanhi ang paglobo ng utang ng Pilipinas na nagmula pa noong taong 2023, gaya ng hidwaan sa Ukraine at iba pang geopolitical issues.

Posibleng matapos ang termino ni Pangulong Bongbong Marcos na may pinakamalaking pagkakautang kumpara sa lahat ng naunang administrasyon kung hindi ito masosolusyunan, dagdag pa ni Gatchalian. (Denniel Salayo/ News Light)