Kinumpirma ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na mahigit dalawampung Chinese vessels ang namataan sa Ayungin Shoal sa West Philippine Sea.
Dalawampung Chinese maritime militia vessels at apat na barko ng China Coast Guard ang kasalukuyang binabantayan ng AFP sa Ayungin Shoal, ayon kay Philippine Navy spokesperson for West Philippine Sea Rear Admiral Roy Vincent Trinidad.
Sa loob aniya ng tatlo hanggang apat na araw, dalawampung barko ang malapit sa BRP Sierra Madre ng Pilipinas.
Ngunit nilinaw ni Trinidad na bagamat malapit sa Ayungin Shoal ang mga barko, hindi naman makalapit ang malalaking barko sa BRP Sierra Madre.
Ang BRP Sierra Madre ang nagsisilbing naval outpost at kadalasang nasa gitna ng tensyon sa lugar.
ADVERTISEMENT
Noong Aug. 20, iniulat rin ng pambansang militar na nasa 25 barko at maliit na bangka ang namataan, kabilang pa ang dalawang air assets ng People’s Liberation Army Navy.
Patuloy ang pagbabantay ng militar at Coast Guard sa presensya ng China sa West Philippine Sea.

