Ilulunsad ng Social Security System (SSS) ang pension reform program ngayong Setyembre.
Sa ilalim ng programa, tataas ang pensyon ng mahigit 3.8 milyong pensioners sa loob ng tatlong taon, kung saan kabilang ang 2.6 milyong retirees o may kapansanan, at 1.2 milyong survivor pensioners.
Ayon sa SSS, hindi na kakailanganin ng dagdag na kontribusyon para sa programang ito.
Ang pagtataas ng pensyon ay ipapatupad kada Setyembre hanggang 2027, na may 10% na umento para sa mga retirees at disability pensioners at 5% naman para sa survivor pensioners.
ADVERTISEMENT
Matapos ang tatlong taon, aabot sa 33% ang kabuuang dagdag sa pensyon ng retirado at may kapansanan, habang 16% naman para sa survivor pensioners.

