Namayagpag ang husay ng Team Pilipinas sa katatapos lamang na WorldSkills ASEAN 2025 na ginanap dito sa bansa.
Nasungkit ng Pilipinas ang sampung gintong medalya, pitong silver medals, walong bronze medals, at limang medallions for excellence.
Matamis ang tagumpay na ito dahil noong 2004 pa nang huling makasungkit ng ginto ang bansa.
Naglabán-laban ang mga kalahok sa kategoryang manufacturing and engineering technology, information and communication technology, construction and building technology, social and personal service, creative arts and fashion, at transportation and logistics.
Dinaluhan ni Senate Majority Leader Senator Joel Villanueva ang naturang kompetisyon kung saan binigyang-diin nito ang kahalagahan ng skills at skilled workers para sa bansa at sa ekonomiya.
ADVERTISEMENT
Ibinahagi rin niya ang kahalagahan ng skill certificates para sa mga trabaho sa ASEAN.
Pagbati para sa lahat ng nagwagi, lalo na sa mga kinatawan ng Pilipinas na nagpakitang-gilas ng kanilang husay.

