News LightFeatured

QC LGU, nangakong paiigtingin ang drainage system matapos ang malalang pagbaha | News Light

Nangako ang lokal na pamahalaan ng Quezon City na paiigtingin ang pagpapatupad ng Drainage Master Plan (DMP) matapos ang malalang pagbaha dulot ng matinding thunderstorm nitong Sabado ng hapon.

Dawn Pamulaya · · Updated · 1 min read

Nangako ang lokal na pamahalaan ng Quezon City na paiigtingin ang pagpapatupad ng Drainage Master Plan (DMP) matapos ang malalang pagbaha dulot ng matinding thunderstorm nitong Sabado ng hapon.

Ayon sa PAGASA, umabot sa 96.6 millimeters ng ulan ang naitala sa Science Garden Station sa loob lamang ng isang oras, na itinuturing na “torrential” at “phenomenal.”

Dahil dito, maraming pangunahing kalsada sa lungsod at maging ang ilang bahagi ng Marikina ay binaha.

Aminado ang LGU na hindi nakayanan ng drainage system ang biglaang pagdagsa ng ulan, kaya’t agad nilang tututukan ang agarang pagsasaayos batay sa DMP.

What do you feel about this article?