Samantala, ipinananawagan naman ni Sen. Sherwin Gatchalian ang masusing pagsisiyasat sa proseso ng accreditation ng mga kontratista para sa mga proyekto ng gobyerno.
Sa ngayon kasi, ayon sa senador, ang pangpinansyal na kapasidad at ang lisensya mula sa Philippine Contractors Accreditation Board ang tanging batayan ng Department of Public works and Highways para siyasatin kung may sapat bang makinarya ang mga kontratista para sa hahawakan nilang mga proyekto.
Pero giit ni Gatchalian, kailangan repasuhin ang proseso kung paanong napapayagan ang namang ang mga sub contractors na humawak ng mga proyekto ng gobyerno.

