Napatunayan ng PLDT High Speed Hitters na sila ang “team to beat” matapos masungkit ang kampeonato sa 2025 Premier Volleyball League (PVL) Invitational sa Araneta Coliseum, Quezon City.
Tinalo nila ang Kobe Shinwa University ng Japan sa apat na set na may scores na 21-25, 31-29, 25-22, 25-18.
Ito ang ikalawang sunod na titulo ng koponan matapos ang PVL on Tour championship.
Bagamat natalo sa unang set, nakabawi ang PLDT sa matinding laban sa ikalawang set na umabot hanggang 31-29, bago tuluyang lumamang sa ikatlong set at dominahin ang huli.
ADVERTISEMENT

