News LightFeatured

Pamilya Discaya, kinalampag na harapin ang House inquiry ukol sa flood control | News Light

Nagprotesta sa labas ng Saint Gerrard Construction Company sa Pasig City ang ilang miyembro ng Akbayan party list upang kalampagin ang mag-asawang negosyanteng sina Curlee at Sara Discaya na sumagot…

Giselle Crazo · · Updated · 1 min read

Nagprotesta sa labas ng St. Gerrard Construction Company sa Pasig City ang ilang miyembro ng Akbayan party list upang kalampagin ang mag-asawang negosyanteng sina Curlee at Sara Discaya na sumagot sa mga tanong ukol sa umano’y kuwestiyonableng flood control projects ng kanilang kumpanya ng Department of Public Works and Highways (DPWH).

Ayon sa grupo, dapat humarap ang mag-asawang Discaya sa House inquiry ukol sa isyu sa Setyembre 2.

Lalo’t hindi umano tinanggap ng mga tauhan ng St. Gerrard ang imbitasyon sa kanila ng House Infracomm na ipinadala sa kanilang tanggapan nitong Biyernes ng umaga.

Ang Saint Gerrard ay pagmamay-ari ng pamilya Discaya na una nang nakalaban ni Pasig City Mayor Vico Sotto sa pagka-alkalde sa lungsod.

ADVERTISEMENT

Kabilang rin ang Saint Gerrard sa 15 kontraktor na isiniwalat ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na nakorner ng pinakamaraming flood control projects ng Department of Public Works and Highways.

What do you feel about this article?