Iginiit ng bagong hepe ng pambansang pulisya na si PGen. Jose Melencio Nartatez
na mataas ang moral ng buong kapulisan at walang sumasalungat sa loob ng organisasyon.
Sa exclusive interview ng Balitang A2Z, nagbigay ng tatlong buwang deadline si Nartatez para aksyunan ang mga kaso ng mga tiwaling pulis.



