News LightFeatured

Matapos sabihing hindi tatalikuran ang responsibilidad, Manuel Bonoan nagbitiw na bilang DPWH secretary | News Light

Matapos niyang sabihing hindi niya tatalikuran ang pananagutan, tuluyan nang nagbitiw bilang kalihim ng Department of Public Works and Highways (DPWH) si Manuel Bonoan.

Jomar Villanueva · · Updated · 2 min read

Matapos niyang sabihing hindi niya tatalikuran ang pananagutan, tuluyan nang nagbitiw bilang kalihim ng Department of Public Works and Highways (DPWH) si Manuel Bonoan.

Sa gitna ’yan ng imbestigasyon ng administrasyong Marcos Jr. sa mga isyu ng korapsyon sa DPWH at palpak na proyekto ng pamahalaan partikular na ang flood control projects.

Kinumpirma ni Presidential Communications Office Secretary Dave Gomez ang pagbibitiw ni Bonoan nitong Linggo.

Ayon kay Gomez, suportado pa rin ni Bonoan si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa panawagan nitong accountability, transparency, at reporma sa DPWH.

ADVERTISEMENT

Nitong Sabado lang, sinabi ni Bonoan na handa niyang harapin ang pananagutan sa mga isyu ng katiwalian sa kagawaran.

Hindi rin umano kinukunsinti at pinahihintulutan ni Bonoan ang korapsyon.

Epektibo ngayong Lunes, Setyembre 1, ang pagbibitiw ni Bonoan.

ADVERTISEMENT

Samantala, papalit bilang kalihim ng DPWH si Department of Transportation (DOTr) Secretary Vince Dizon.

Inatasan ng pangulo si Dizon na linisin ang DPWH at siguruhing hindi nalulustay ang public funds sa ibang bagay bukod sa pagpapatayo ng mga imprastraktura at sa ikabubuti ng taumbayan.

Pangungunahan ni Dizon ang kampanya ng pamahalaan kontra korapsyon.

ADVERTISEMENT

Habang magsisilbing acting secretary ng DOTr si Atty. Giovanni Lopez na nagsilbi na ring transportation undersecretary for administration, finance, and procurement at chief of staff ng Office of the Secretary.

What do you feel about this article?