Nagbabala ang PAGASA ng malalakas na pag-ulan ngayong Lunes, Setyembre 1, 2025, bunsod ng low pressure area (LPA) at southwest monsoon o habagat.
Asahan ang malakas at mabigat na ulan ngayong araw ang Quezon, Camarines Norte, at Camarines Sur dahil sa LPA.
Samantala, makakaranas din ng katamtaman hanggang malakas na ulan ang Occidental Mindoro, Palawan, at Antique dahil sa habagat, at magpapatuloy ito bukas sa Occidental Mindoro.
Pinayuhan ang publiko at mga lokal na pamahalaan na magpatupad ng kinakailangang hakbang para sa kaligtasan at proteksyon ng ari-arian.
ADVERTISEMENT

