News LightFeatured

Flood control projects na tapos na, may budget pa sa NEP 2026 — Rep. Teodoro | News Light

‘Parang may mali at nakakahiya.’ ’Iyan ang nasabi ni Marikina 1st District Representative Marcy Teodoro matapos makita ang tila hindi aniya pinag-aralan na National Expenditure Program o NEP para sa…

Carlene Latuna · · Updated · 2 min read

‘Parang may mali at nakakahiya.’

’Iyan ang nasabi ni Marikina 1st District Representative Marcy Teodoro matapos makita ang tila hindi aniya pinag-aralan na National Expenditure Program (NEP) para sa taong 2026.

Sa pagsusuri kasi ng mambabatas, nakapaloob pa rin sa proposed budget ng susunod na taon ang ilang flood control projects na tapos na at maging ang pagsasaayos ng mga hindi sirang kalsada sa Marikina.

Isa sa nabanggit ni Teodoro ay ang slope protection sa Balanti Creek sa Barangay Sto. Niño na tapos nang gawin noong 2023 pa, ngunit pinaglaanan pa rin ng pondo para sa 2026 sa ilalim ng flood mitigation program.

ADVERTISEMENT

Nang tanungin ng mambabatas ang Department of Budget and Management (DBM) na naghanda ng NEP, sinabi aniya sa kanya na ‘agency-initiated’ o ang Department of Public Works and Highways o DPWH ang nagplano nito.

Nang tanungin naman niya ang DPWH hinggil dito, iginiit ng ahensya na galing ito sa mga district engineers at regional directors.

Dahil dito, kinausap ni Teodoro ang DPWH secretary noon na si Manuel Bonoan na nagulat aniya sa obserbasyong ito at agad ipinatawag ang NCR regional director ng DPWH.

ADVERTISEMENT

Panawagan ni Teodoro, ikonsulta muna sa mga local development council ang mga bibigyan ng budget o ipapagawa katulad ng flood control project.

Maliban dito, nagpahayag ng pagkadismaya ang mambabatas sa hindi kumpletong paglalaan ng pondo para sa drainage system ng Sumulong Highway.

Ayon sa kanya, sa pag-inspeksyon ni Pangulong Marcos Jr. dito noong nakaraang buwan, ipinangako ang pagkumpleto sa proyekto, ngunit hindi ito ang lumalabas na mangyayari ayon sa NEP.

ADVERTISEMENT

Dagdag niya, dapat itama ang paghahanda sa NEP dahil masasayang lamang ang pera para sa taongbayan.

What do you feel about this article?