Kinansela ng Energy Regulatory Commission ang permit to operate ng Villar-owned Siquijor Island Power Corporation dahil sa matinding krisis sa kuryente sa Siquijor.
Ayon sa Department of energy, bigong ayusin umano ng energy company ang problema nito sa supply ng kuryente.
Dahil sa tumitinding problema, napilitang isailalim sa state of emergency ang nasabing lugar.
Pansamanatalang sinuspinde ng Department of Public Works and Highways ang pag-apruba ng lahat ng aplikasyon para makabiyahe abroad sa kanilang mga opisyal at empleyado hanggang Nobyembre.
ADVERTISEMENT
Kaugnay ito ng isinasagawang imbestigasyon sa umano’y anomalya sa flood control projects ng ahensya.
Ayon sa DPWH, bahagi umano ito ng transparency, at integridad sa pampublikong serbisyo habang nagpapatuloy ang imbestigasyon.


