Binaha ang ilang pangunahing kalsada sa Quezon City noong weekend dahil sa naranasang malakas na pag-ulan.
Karamihan sa mga ito ay umabot hanggang tuhod kaya hindi madaanan ng mga sasakyan ang Commonwealth Avenue.
Nagpaalala naman ang awtoridad sa mga motorista na humanap muna ng alternatibong ruta sakaling bahain ito.

