News LightLatest News

Bentahan ng accreditation sa mga gov’t projects, iimbestigahan ng Department of Trade and Industry | News Light

Iimbestigahan ng Department of Trade and Industry (DTI) ang mga alegasyong nagbebenta umano ang Philippine Contractors Accreditation Board (PCAB) ng accreditation sa mga kontraktor ng flood control projects ng gobyerno.

Giselle Crazo · · Updated · 1 min read

Iimbestigahan ng Department of Trade and Industry (DTI) ang mga alegasyong nagbebenta umano ang Philippine Contractors Accreditation Board (PCAB) ng accreditation sa mga kontraktor ng flood control projects ng gobyerno.

Kasunod ito ng isiniwalat ni Senator Ping Lacson na mga iregularidad ng PCAB sa nagdaang Senate inquiry kaugnay sa flood control projects na dinaluhan ng pitong contractors.

Binigyang-diin ni Trade Secretary Cristina Roque na isinasagawa na ang mga pagdinig at magbibigay rin ito ng mga bagong impormasyon.

Una nang nagbabala ang PCAB sa mga indibidwal na umano’y nagpapanggap bilang kanilang kabaro at sinabing nagsasagawa na rin sila ng sariling imbestigasyon ukol dito.

What do you feel about this article?