Isang 53-anyos na Pilipino ang nasawi habang sakay ng “Frozen Ever After” ride attraction sa Hong Kong Disneyland.
Ayon sa DFA, nawalan ng malay at bumagsak ang turista dakong alas-10 ng umaga nitong Biyernes.
Nakikipag-ugnayan na ang Philippine Consulate General sa mga lokal na awtoridad at kaukulang institusyon, kasabay ng pagrespeto sa pribadong kalagayan ng pamilya ng biktima.
Dahil sa insidente, pansamantalang isinara ng theme park ang Frozen Ever After ride mula Agosto 31 hanggang Setyembre 19 bilang bahagi ng kanilang operational adjustments.
ADVERTISEMENT

