News LightLatest News

Mayor Vico Sotto: Gawing hindi katanggap-tanggap ang korapsyon | News Light

‘Kailangang maging nakakadiri ang korapsyon’ ‘Yan ang panawagan ni Pasig Mayor Vico Sotto sa publiko sa gitna ng paglabas ng mga maanomalyang infrastructure projects at ang mga panayam ng ilang…

Carlene Latuna · · Updated · 1 min read

‘Kailangang maging nakakadiri ang korapsyon’

‘Yan ang panawagan ni Pasig Mayor Vico Sotto sa publiko sa gitna ng paglabas ng mga maanomalyang infrastructure projects at ang mga panayam ng ilang mamamahayag sa mga sangkot dito.

Ayon sa alkalde, kailangang gawing hindi katanggap-tanggap sa publiko ang pagpapakita ng yaman ng mga politiko na mula sa korapsyon o katiwalian.

Hinimok ni Sotto ang publiko na basagin ang ganitong kaisipan at ang unang gawin ay pag-usapan ang ganitong mga isyu.

ADVERTISEMENT

Ang pahayag ay kaugnay ng nag-viral na post ng alkalde kung saan kinondena niya ang mga mamamahayag na nagbibigay ng plataporma sa mga posibleng sangkot sa korapsyon sa pamahalaan, kabilang na ang dati nitong katunggali sa politika na si Sarah Discaya.

What do you feel about this article?