Isiniwalat ni Batangas 1st district Rep. Leandro Leviste na may kinalaman umano ang dating kongresista sa bidding ng mga nagiging proyekto ng Department of Public Works and Highways sa nasabing lugar.
Kaugnay pa nito, inamin umano ni district engineer Abelardo Calalo kay Leviste ang pangalan ng ilang malalaking contractor at ang papel ng mga ito sa ilalim ng dating kinatawan ng distrito.
Dagdag pa ng kongresista, na mayroon umanong na kickback ang dating mambatatas ng 10 hanggang 20 percent sa palpak na flood control project.
Magugunitang noong martes, nagsampa si Leviste sa Batangas provincial prosecutor’s
para kasuhan ang nahuling nanunuhol sa kaniyang district engineer.



