News LightLatest News

Flood control projects, maaaring magpalala ng climate risks kung hindi maayos ang pagkakagawa — UP Marine Science Institute | News Light

Nagbabala si Fernando Siringan ng University of the Philippines Marine Science Institute na ang mga proyektong pang-imprastruktura tulad ng flood control ay maaaring magdulot ng mas matinding panganib sa klima…

Dawn Pamulaya · · 2 min read

Nagbabala si Fernando Siringan ng University of the Philippines Marine Science Institute na ang mga proyektong pang-imprastruktura tulad ng flood control ay maaaring magdulot ng mas matinding panganib sa klima kung walang sapat na batayan at mahigpit na environmental safeguards.

Sinabi rin ni Siringan na maraming proyekto ng pamahalaan ang nilalampasan o pinahihina ang environmental impact assessment process, bagay na naglalagay sa mga komunidad sa mas malaking panganib.

Ayon sa kanya, madalas na inuuna ang dredging at pagtatayo ng konkretong pader na pansamantalang solusyon lamang sa pagbaha.

Iminungkahi niya ang paggamit ng mga nature-based solutions gaya ng pagpapalawak ng ilog, pagpapanatili ng tree cover, at pag-adopt ng “sponge city” innovations tulad ng permeable pavements, green roofs, at water-absorbing parks.

Binanggit din niya ang kahalagahan ng mga bakawan, na nakapagbabawas ng storm wave energy nang hanggang kalahati.

ADVERTISEMENT

Samantala, iginiit ni DENR Secretary Raphael Lotilla ang pangangailangan ng integrated river basin at water management programs, at inamin na mahina ang implementasyon ng mga nakaraang plano.

Aniya, kinakailangan ang mas matatag na koordinasyon sa pagitan ng mga ahensya at lokal na pamahalaan upang maiwasan ang pagtatayo ng imprastruktura na sumasakop sa mga natural na daluyan ng tubig.

What do you feel about this article?