Balitang A2ZLatest News

Ethics complaint vs. Sen. Hontiveros, inihain ng tatlong abogado dahil sa umano’y witness tampering sa mga nagdaang senate hearing

Nagsampa ng ethics complaint sa tanggapan ng senate secretary sina Atty. Ferdinand Topacio, at dalawang iba pang abogado si Senador Risa Hontiveros.

BALITANG A2Z · · Updated · 1 min read

Nagsampa ng ethics complaint sa tanggapan ng senate secretary sina Atty. Ferdinand Topacio, at dalawang iba pang abogado si Senador Risa Hontiveros.

Bunsod anila ito ng witness tampering dahil sa ilang bayad umanong testigo na humarap sa nagdaang pagdinig ng senado kay Pastor Apollo Quiboloy at sa war on drugs ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Ipinauubaya nila sa senado kung ano ang magiging parusa kay Hontiveros kung sususpindehin o ie-expel nila ito sakaling makakuha ng two-third votes sang-ayon sa saligang batas.

Tinawag naman itong recycled lies at harrasment ni Hontiveros.

What do you feel about this article?