News LightLatest News

Ethics complaint vs. Sen. Hontiveros, inihain ng tatlong abogado dahil sa umano’y witness tampering sa mga nagdaang Senate hearing | News Light

Nagsampa ng ethics complaint sa tanggapan ng Senate secretary sina Atty. Ferdinand Topacio at dalawang iba pang abogado kay Senator Risa Hontiveros.

Ace Cruz · · 1 min read

Nagsampa ng ethics complaint sa tanggapan ng Senate secretary sina Atty. Ferdinand Topacio at dalawang iba pang abogado kay Senator Risa Hontiveros.

Bunsod anila ito ng witness tampering dahil sa ilang bayad umanong testigo na humarap sa nagdaang pagdinig ng Senado kay Pastor Apollo Quiboloy at sa war on drugs ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Ipinauubaya nila sa Senado kung ano ang magiging parusa kay Hontiveros, kung sususpindihin o ie-expel nila ito sakaling makakuha ng two-thirds votes sang-ayon sa Saligang Batas.

Tinawag naman itong recycled lies at harassment ni Hontiveros.

What do you feel about this article?