News LightLatest News

Demolisyon sa Tondo, nauwi sa tensyon | News Light

Nagkagirian ang mga residente at demolition team sa bahagi ng Abad Santos Avenue sa Tondo, Manila kahapon ng umaga.

Newslight · · 1 min read

Nagkagirian ang mga residente at demolition team sa bahagi ng Abad Santos Avenue sa Tondo, Manila kahapon ng umaga.

Nagmistulang umuulan ng bubog, bato, bakal, kahoy, at maging dumi matapos itong ipagbabato ng mga umaalmang residente sa ikinasang paggiba sa kanilang mga tahanan.

Rumesponde naman ang police SWAT team upang awatin ang alitan sa pagitan ng dalawang panig.

Kalaunan ay humupa din ang tensyon at hindi na napigilan ang pagpasok ng demolition crew kaya’t naipagpatuloy din ang kanilang trabaho.

ADVERTISEMENT

Ayon sa ulat, apat ang nasugatan sa insidente kabilang ang dalawang trabahador at dalawa ring miyembro ng kapulisan.

Samantala, nilinaw ng Manila Metropolitan Trial Court Branch 18 sheriff na hindi ito ang unang pagkakataon na nagka-initan sa lugar sapagkat ilang beses na umanong ipinagpaliban ang pagpapa-alis sa mga residente. (Kent Bicol/News Light)

What do you feel about this article?