Sugatan ang nasa 10 katao matapos araruhin ang kanilang sinasakyan ng isang pampasaherong bus sa Commonwealth Avenue, Quezon City kahapon.
Nakuha sa isang dashcam kung paano gumewang-gewang ang bus at paano nito araruhin ang unang sasakyan na nadamay.
Tuloy-tuloy itong tumakbo sa kalsada at nabangga rin ang ilan pang sasakyan kabilang ang isang UV Express, pampasaherong mini-bus, at limang motorsiklo bago bumangga sa center island ng Commonwealth Avenue.
Ayon sa konduktor nito, nawalan ng preno ang bus kaya nagdesisyong ibangga na lang ito sa center island.
ADVERTISEMENT
Kasalukuyang nagpapagaling sa ospital ang mga nasugatan na mga indibidwal at nasa kustodiya na ng Quezon City Traffic District 7 ang driver ng bus.

