Bigong magpatuloy si Filipina tennis star Alex Eala sa 2025 U.S. Open matapos matalo ni Cristina Bucsa sa scores na 6-4, 6-3, sa ikalawang round nitong Miyerkules sa New York City.
Tila nahirapan na si Eala na makahanap ng tiyempo matapos magtala ng 21 unforced errors at ma convert lamang ang tatlong tira sa kanyang siyam na break point attempts.
Samantala, sinamantala ng kalaban ang pagkakataon at tuluyang kumamada gamit ang isang forehand winner at isang ace upang makuha ang momentum hanggang sa matapos ang laban.
Sa kabila ng maagang pagkakaalis, nananatiling isa si Eala sa mga pinakabinabantayang batang manlalaro sa international tennis.

