Tuloy na ngayong August 28, Huwebes ang pag-iimprenta ng mga balotang gagamitin para sa kauna-unahang BARMM Parliamentary Elections sa Oktubre 13.
Ito’y matapos suspindihin ang printing isang linggo na ang nakararaan dahil sa pagpasa sa third at final reading ng batas na pumapayag ire-distribute ang pitong seats na orihinal na para sa sulu.
Ayon sa Commission on Elections, kailangan nang ituloy ang pag-imprenta kahit hindi pa napipirmahan ang batas dahil 40 araw na lang ang natitira bago ang eleksyon.
Nasa 2.3 million barmm ballots kasi ang kailangan maimprenta at dadaan pa ito sa verification na siyang pinakamatagal na proseso.
ADVERTISEMENT
Ayon pa sa poll body walang pagbabago sa anyo ng balota.

