Matagumpay na nagsagawa ng multilateral maritime exercise ang mga unit pandagat ng Pilipinas, Australia, at Canada nitong Miyerkules sa silangan ng Bajo de Masinloc sa West Philippine Sea.
Ayon sa Armed Forces of the Philippines, lumahok sa drill ang BRP Jose Rizal, HMAS Brisbane ng Australia, at HMCS Ville de Québec ng Canada matapos maglayag mula El Nido, Palawan patungong hilaga.
Bahagi ang aktibidad ng Amphibious Land Operation o Alon 2025, kung saan kabilang sa sinasanay ang air defense exercise laban sa mga simulated aerial threats, at photo exercise na nagpakita ng precision formation sailing at multinational naval professionalism.
Higit sa tatlong libong sundalo mula sa Pilipinas, Australia, Estados Unidos, at Canada ang kasali sa Exercise Alon 2025 na ginaganap mula Agosto 15 hanggang 29.



