News LightLatest News

Malacañang, itinangging sinuspinde si DOH Sec. Teodoro Herbosa | News Light

Mariing itinanggi ng Malacañang ang mga ulat na isinailalim sa preventive suspension si Department of Health Secretary Teodoro Herbosa dahil umano sa mga kontrobersiyang kinakaharap nito.

Dawn Pamulaya · · Updated · 1 min read

Mariing itinanggi ng Malacañang ang mga ulat na isinailalim sa preventive suspension si Department of Health (DOH) Secretary Teodoro Herbosa dahil umano sa mga kontrobersiyang kinakaharap nito.

Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, walang inilabas na kautusan ang Office of the President at Office of the Executive Secretary kaugnay ng suspensyon ng kalihim.

Kabilang sa mga reklamong ibinabato kay Herbosa ang umano’y hindi awtorisadong pagpapalabas ng ₱44.6 milyon halaga ng psychiatric drugs sa Rotary Club of Quezon City, gayundin ang sinasabing paglilipat ng ₱1.29 bilyon na cash advances sa UNICEF mula Pebrero hanggang Hulyo 2024.

Mayroon ding procurement request na ₱524 milyon para sa bakuna na isinasangkot umano sa kanya.

ADVERTISEMENT

Nitong Miyerkules, iginiit ng DOH na abala si Herbosa kasama ang ilang opisyal ng kagawaran sa pagbibigay ng briefing sa mga mambabatas sa Kamara hinggil sa mga prayoridad ng administrasyon sa kalusugan publiko.

What do you feel about this article?