Nasabat ng Bureau of Customs ang higit P600 Million halaga ng smuggled cigarettes sa isang bodega sa Brgy. Bulihan, Plaridel, Bulacan.
Ayon sa BOC mahigit P8,000 na mga kahon ng imported na sigarilyo ang nasabat. Pinaniniwalaang galing sa China at Vietnam ang mga ito at inireport na ibinibenta sa halagang P7.00 lang sa Central Luzon.
Dagdag ng ahensya , dahil iligal ay nakatakas ito sa pagbabayad ng tax sa BIR at wala ring DOH warnings na nakadikit sa mga kahon alinsunod sa batas sa bansa.
Naaresto naman sa operasyon ang may ari ng bodega, driver at isang tauhan.

