Maaari nang makita ang detalye ng lahat ng flood control projects at maging ng iba pang imprastraktura na itinayo ng pamahalaan sa iisang website.
Inilunsad kahapon ang Project DIME o ang Digital Information for Monitoring and Evaluation na website kung saan makikita ang mapa ng mga infrastructure projects ng pamahalaan.
Pumirma na rin ng memorandum of understanding ang mga kinatawan ng Department of Budget and Management (DBM), Department of Information and Communications Technology (DICT), Department of Transportation (DOTr), Department of Education (DepEd), at Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).
Ayon kay Budget Secretary Amenah Pangandaman, unang makikipagtulungan ang nasa 11 na ahensya para sa pagbibigay ng impormasyon sa website ukol sa mga proyekto ng pamahalaan.
ADVERTISEMENT
Layon ng website na dime.gov.ph na maihatid ang budget transparency at accountability sa publiko lalo na sa gitna ng imbestigasyon ng ma-anomalyang flood control projects.


