Magsasagawa ng special audit ang Commission on Audit (COA) sa maanomalya umanong ₱2.2 bilyong ginastos ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) education ministry.
Sa liham na ipinadala kay BARMM Chief Minister Abdulraof Macacua, nakasaad ang reklamong inihain laban kay Minister Mohagher M. Iqbal ng Ministry of Basic, Higher and Technical Education ng BARMM.
Kabilang sa reklamo ay ang paggastos ng ahensya ng ₱1.7 bilyon sa isang araw at ang pagbabayad ng halos ₱450 milyon sa isang supplier lamang.
Umaasa ang COA na makipagtulungan ang mga opisyal ng BARMM para sa imbestigasyon ng kanilang audit team.



