SportsLatest News

Alex Eala, bigong magpatuloy sa US Open matapos talunin ni Cristina Bucșa | News Light

Bigong magpatuloy si Filipina tennis star Alex Eala sa 2025 US Open matapos matalo sa Espanyol na si Cristina Bucșa, 6-4, 6-3, sa ikalawang round nitong Miyerkules sa New York.

Dawn Pamulaya · · 1 min read

Bigong magpatuloy si Filipina tennis star Alex Eala sa 2025 US Open matapos matalo sa Espanyol na si Cristina Bucșa, 6-4, 6-3, sa ikalawang round nitong Miyerkules sa New York.

Nahirapan si Eala na makahanap ng tiyempo matapos magtala ng 21 unforced errors at ma-convert lamang ang tatlo sa kanyang siyam na break point attempts.

Samantala, sinamantala ng kalaban ang pagkakataon at tuluyang kumamada gamit ang isang forehand winner at isang ace upang makuha ang momentum hanggang matapos ang laban.

Sa kabila ng maagang pagkalaglag, nananatiling isa si Eala sa mga pinakabinabantayang batang manlalaro sa international tennis.

What do you feel about this article?