Lumabas sa Q2 2025 Tugon ng Masa survey ng OCTA Research na walo sa sampung Pilipino o 83% ang nagtitiwala sa naging resulta ng May 12, 2025 national at local elections.
Ayon sa survey na isinagawa mula Hulyo 12 hanggang 17 gamit ang face-to-face interviews sa 1,200 respondents, 4% lamang ang nagsabing hindi sila nagtitiwala sa resulta habang 14% naman ang nanatiling undecided.
Dagdag pa ng OCTA, 64% ng mga Pilipino ang naniniwalang naging malaya at patas ang halalan na isinagawa ng Commission on Elections (Comelec).
Karamihan din o 86% ng mga botante ang nagpahayag ng kasiyahan sa automated polling system.
ADVERTISEMENT
Ani naman ni Garcia, kailangan pa ng mas malawak na voters’ education sa bansa upang hindi makilahok ang mga Pilipino sa mga hamon sa botohan gaya ng vote buying.

