Wagi muli ang pagkamalikhain ng Pinoy!
Nakamit ng grupo ng mga Filipino young designers ang bronze award para sa kanilang virtual reality game na “The Wish Granter” sa ikawalong Indigo Design Award sa Bangkok, Thailand.
Kinabibilangan ang grupo nina Katrina Santos, Dian Felix, Kyle Correa na mga estudyante mula sa Multimedia Arts Program ng De La Salle-College of Saint Benilde.
Nakuha nila ang bronze para sa student category ng VR design for digital design.
Ang kanilang VR game na “Wish Granter” ay nasa isang post-war world na naglalaman ng mga temang pagkawala at paghihilom.
ADVERTISEMENT
Ang Indigo Design Awards ay taunang kompetisyon na nagbibigay parangal sa mga estudyante at propesyonal para sa kanilang husay sa design sa digital at graphic disciplines.
Pagbati para sa mga nagwagi!

