News LightLatest News

Rep. Santos: 42 DPWH projects sa Las Piñas, kulang sa permit | News Light

Isiniwalat ni Las Piñas City Representative Mark Anthony Santos na natagpuan ng engineering office ng lungsod na apatnapu’t dalawang proyekto ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang pawang…

Carlene Latuna · · 1 min read

Isiniwalat ni Las Piñas City Representative Mark Anthony Santos na natagpuan ng engineering office ng lungsod na 42 proyekto ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang pawang kulang ang permit.

’Yan ay matapos humiling ang kongresista sa naturang opisina na usisain ang mga building permit ng ahensya sa lungsod.

Dagdag pa ni Santos, labing siyam sa mga proyekto ay yari na, habang pito pa ang under construction.

Labing lima sa proyekto ay naisyuhan na ng mga paglabag.

ADVERTISEMENT

Babala ni Santos, posibleng malagay sa panganib ang buhay ng mga tao mula sa mga nasabing proyekto at mauwi sa pagkaka-ospital na aniya’y hindi naman sasagutin ng anumang insurance claim.

Kabilang aniya sa mga ito ay multi-purpose buildings, drainage system at flood control projects.

What do you feel about this article?