InternationalLatest News

Mga mamamahayag na nasawi sa Gaza dahil sa pambobomba ng Israel, sumampa na sa 219 | News Light

Sumampa na sa 219 ang bilang ng mga mamamahayag na nasawi sa Gaza habang ginagawa ang kanilang tungkulin.

Jomar Villanueva · · Updated · 1 min read

Sumampa na sa 219 ang bilang ng mga mamamahayag na nasawi sa Gaza habang ginagawa ang kanilang tungkulin.

Kasunod ito ng airstrike ng Israel sa isang ospital sa Gaza kung saan nananatili ang limang journalist.

Ilan sa kanila ay nagtatrabaho para sa malalaking news outlet gaya ng Reuters, Al Jazeera, at Associated Press.

Kinondena ng ilang grupo ang pambobomba ng Israel sa ospital.

ADVERTISEMENT

Ayon sa International Federation of Journalists (IFJ), dapat imbestigahan ang isinagawang airstrike ng Israel.

Habang nagpaalala ang grupo sa mga mamamahayag sa gitna ng digmaan na mag-ingat at huwag mag-cover kung walang kaukulang suporta mula sa news outlets.

What do you feel about this article?