Namataan ang dalawang low pressure area (LPA) sa paligid ng Patnanungan, Quezon at isa pa sa 200 km kanluran ng Dagupan City.
Dahil diyan, inaasahang makararanas ng pag-ulan ngayong araw ang mga probinsya ng Cagayan, Isabela, Aurora, Nueva Ecija, at Quezon.
Asahan din ang maulap na papawirin na may kalat-kalat na pag-ulan at pagkidlat-pagkulog sa Metro Manila, Ilocos Region, Cordillera, Central Luzon, at Calabarzon.
Paalala ng PAGASA, mas malakas ang ulan sa mga bulubunduking lugar.
ADVERTISEMENT



