Latest NewsNews Light

LTO, sinuspinde na ang lisensya ng driver na nang hit-and-run sa Marikina | News Light

Sinuspinde na ng Land Transportation Office (LTO) ang lisensya ng driver na nakabangga sa isang senior citizen sa Marikina City noong Sabado.

Carlene Latuna · · 1 min read

Sinuspinde na ng Land Transportation Office (LTO) ang lisensya ng driver na nakabangga sa isang senior citizen sa Marikina City noong Sabado.

Nagtamo ng hiwa sa noo at sugat sa iba pang parte ng katawan ang isang senior citizen na babae matapos itong ma-hit-and-run ng isang sasakyan habang tumatawid sa pedestrian lane.

Habang patawid sa A. Bonifacio Avenue papuntang Cobarrubias Street, nabangga ng sasakyan ang 74-anyos na ginang at tumilapon ito sa kalsada.

Hindi tumigil ang sasakyan at isang motorcycle rider na tumigil ang tumulong sa senior citizen.

ADVERTISEMENT

Naglabas na ng show-cause order ang LTO para sa driver at sa rehistradong may-ari ng sasakyan.

Maliban sa preventive suspension, inilagay rin ang sasakyan sa alarm status.

What do you feel about this article?