Aminado si Senator Ronald “Bato” Dela Rosa na may galit siya kay former PNP chief Nicolas Torre III dahil sa pag-aresto noon ni Torre kay former President Rodrigo Duterte at kaalyadong si Apollo Quiboloy.
Pero ayon sa dating hepe ng pambansang pulisya, masaklap pa rin ang sinapit ni Torre.
Giit pa ni Dela Rosa na ikinagulat niya ang pagsibak dahil binigyan ito ng posisyon pero agad na tinanggal lang.
Habang si Senate President Francis “Chiz” Escudero nangangamba para sa morale ng pambansang pulisya.
Ayon kay Escudero, sana hindi umano maapektuhan ang kredibilidad sa PNP.
ADVERTISEMENT
June 2 itinalaga si Torre bilang PNP chief matapos ang kanyang high-profile na pag-aresto kina Quiboloy at Duterte.
Sumikat rin siya sa kanyang maikling panunungkulan dahil sa inumpisahang 5-minute response ng pulisya at sa pagkakapanalo by default sa boxing match kontra kay Davao City Acting Mayor Baste Duterte.

