Chery Tiggo, pasok sa PVL finals spot | News Light

📅

Pinalakas ng Chery Tiggo Crossovers ang kanilang kampanya para sa final berth sa 2025 PVL Invitational matapos talunin ang Zus Coffee sa scores na 25-17, 25-17, 25-23, nitong Martes sa Philsports Arena, Pasig City.

Dahil sa panalo, tuluyang natanggal sa title contention ang Creamline, Zus Coffee, at Cignal, habang nananatili na lamang ang Kobe Shinwa bilang potential spoiler.

Bida si libero Jen Nierva na nagtala ng 19 excellent receptions at 11 excellent digs upang makuha ang Player of the Game honors.

Pinangunahan ni Cess Robles ang Crossovers na may 17 puntos, habang tumulong sina Ara Galang at rookie Renee Peñafiel.

ADVERTISEMENT

Huling haharapin ng Chery Tiggo ang Kobe Shinwa sa Biyernes para tiyakin ang kanilang pagpasok sa finals, habang susubukan ng Zus Coffee na bumawi kontra PLDT sa Huwebes.