Isinusulong ni Abra Rep. JB Bernos ang panukalang gawing tourism and cultural heritage area ang lalawigan.
Sa ilalim ng House Bill 3120 o Abra Tourism and Cultural Heritage Development Bill, layong maideklara ang Abra bilang priority tourism development area.
Kabilang sa panukala ang promosyon ng mga flagship events gaya ng Kawayan Festival na nagpapakita ng yaman ng Abra bilang pangunahing pinagkukunan ng kawayan at ng kahalagahan ng kultura sa ekonomiya at turismo.
Nakasaad din sa panukala ang pagbuo ng 10-year Abra Tourism Development Framework na tutukoy ng mga tourism development zones, magtatakda ng alituntunin para sa ecotourism at heritage conservation, at magsasagawa ng pagsusuri sa epekto nito sa kalikasan at mga komunidad.
ADVERTISEMENT
Kilala ang Abra sa mga atraksyon gaya ng Kaparkan Falls, Saint Catherine of Alexandria Parish Church, Tangadan Tunnel, at sa mga tradisyong Tingguian, pati na rin sa paghahabi at produktong kawayan.

