Naglabas ng pahayag ang opisina ni Samar Governor Sharee Ann Tan kaugnay ng viral kuratsa video na pinuputakte ng batikos online.
Sa viral video, kita ang paghahagis ng pera habang sumasayaw sina Governor Tan at hermano mayor ruben panaligan sa isang tila magarbong hapunan.
Pero paglilinaw ng gobernador, kuha ang video sa Hermano night ng Catbalogan fiesta kung saan nagsasayaw anila ng tradisyunal na kuratsa.
Tiniyak din ni Tan na ibinigay sa simbahan sa Catbalogan City ang lahat ng nalikom na pera mula sa nasabing pagtitipon.

