Opisyal nang nagsimula ang pinakamalaking kompetisyon ng professional at technical skills sa ASEAN — ang WorldSkills ASEAN Manila 2025.
Host country ang Pilipinas sa 6 na araw na kompetisyon kaya present sa pagbubukas nitong Lunes si Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Hinimok ng Pangulo ang mga kabataan na mas linangin pa ang kanilang mga kakayahan at creativity para mas makaambag sa pag-unlad ng mga bansa sa Southeast Asia.
Hindi bababa sa 259 na mga kabataan mula sa iba’t ibang Southeast Asian countries ang kalahok sa WorldSkills kung saan magpapagalingan sila sa iba’t ibang larangan.
ADVERTISEMENT
Tatagal ang kompetisyon hanggang August 30 sa World Trade Center Metro Manila at Philippine Trade Training Center.

