Good news!
Nailigtas ng Philippine Coast Guard ang mangingisda sa Bajo de Masinloc sa Zambales matapos ang ilang araw na pagkawala sa kasagsagan ng bagyong Isang.
Noong August 22 pa napaulat na nawawala ang 53-anyos na mangingisda nang mahiwalay sa mga kasamahan bunsod ng lakas ng hangin at mataas na alon na dala ng bagyo.
Nahanap ang tinukoy na si Roberto Albior sa search and rescue operation ng PCG.
ADVERTISEMENT
Agaran din siyang binigyan ng tulong medikal matapos ang ilang araw na pagkawala.

