Asahan ang malalakas na pag-ulan dulot ng low pressure area (LPA) at habagat ayon sa PAGASA.
Apektado ng masamang panahon ang Isabela, Aurora, Bulacan, Quezon, Laguna, Rizal, Camarines Norte, Camarines Sur, Albay, Sorsogon, Catanduanes at Masbate.
Samantala, dahil sa habagat, inaasahan din ang katamtaman hanggang malakas na pag-ulan sa Palawan, Occidental Mindoro at Antique ngayong araw na magpapatuloy ito bukas at lalawak pa sa Oriental Mindoro at Negros Occidental.
Babala ng PAGASA, maaaring mas malakas pa ang pagbuhos ng ulan sa mga bulubunduking lugar at lumala ang epekto dahil sa naunang malakas na ulan.
ADVERTISEMENT
Pinayuhan ang publiko at mga lokal na disaster risk reduction offices na maging handa at sumubaybay sa mga susunod pang heavy rainfall warning at iba pang abiso.


