WeatherLatest News

Higit 400 pamilya, inilikas mula sa pagbaha sa Zamboanga | News Light

Inilikas ang higit 400 na pamilya mula sa pagbaha sa Zamboanga City kahapon. Ayon sa pamahalaan ng Zamboanga City, dahil sa malakas na pag-ulan kinailangang ilikas ang mga pamilyang nakatira…

Carlene Latuna · · Updated · 1 min read

Inilikas ang higit 400 na pamilya mula sa pagbaha sa Zamboanga City kahapon.

Ayon sa pamahalaan ng Zamboanga City, dahil sa malakas na pag-ulan kinailangang ilikas ang mga pamilyang nakatira sa mga lugar na nalubog ng baha.

Binigyan naman sila ng relief goods mula sa City Social Welfare and Development Office.

Ininspeksyon rin ni Zamboanga City Mayor Khymer Olaso ang pinsalang dala ng baha sa mga daan at kabahayan.

ADVERTISEMENT

Patuloy rin anila na magsasagawa ng rescue at clearing operations sa lugar.

What do you feel about this article?